Ang Huling Tulang Isusulat Ko Para Sayo ni Juan Miguel Severo, isang mag-aaral ng Sikolohiya, sa pagkakaalam ko.
Psst! Pankinggan mo, may sinulat sya para sayo. (Binigkas nya na rin, para mas maunawaan mo)
Ang Huling Tulang ito, hayag naman sa pagkakasambit, ay patungkol sa taong kanyang iniibig. Umibig ka na ba? Marahil oo. Pero nasaktan? Iniwan? Ginamit lang? Umasa? Malamang naranasan mo na rin. Totoong di katanggap-tanggap, dahil ang gusto mo lang ay ibigin ka rin, gaya ng pag-ibig mo sa kanya.
Wala nang ibang mas interesante pang talakayin bukod sa pag-iisip ng tao. (pero inaamin ko, interesante rin ang mga lamang-dagat. SEAFOODS!) At laging napag-uusapan, ang opinyon ng tao pagdating sa pag-ibig. Napaka-importante ng Pag-ibig. Karamihan pa nga sa mga kabataan ngayon ay isinasakripisyo ang pag-aaral, ang hirap ng magulang, para sa pag-ibig na romantiko. Pero di lahat ay matagumpay. Isa na nga d'yan malamang si Juan Miguel Severo.
Sa aking pananaw, inilabas nya lamang ang kanyang nararamdaman. Ibinulalat lahat ng di nya maipaliwanag na damdamin sa Huling Tula na iyan, para sa taong kanyang iniibig. Pero sa tingin mo, iyan na nga kaya ang huling tula na maisusulat nya para sa taong iyon? Kung totoong inibig nya sya, malamang ay hindi pa iyan ang huli, o kung iyan man, ay di na sya susulat pang muli. Emosyon ang langis na nagpapagana sa makina ng malikhaing isipan. At kapag ito'y napagana, tiyak na mahirap nang bitiwan.
Pero realtalk: di ako fan ng "ginamit nya lang ako" theme. Ang gusto kong mga tula, yung nalulungkot dahil pinaghiwalay sila ng kamatayan (tulad ng 'Babang Luksa' ni Diosdado Macapagal). Pakiramdam ko kasi, di ko kayang magmahal ng taong di ako mahal. Maraming tao sa buong mundo na posibleng mahalin mo at mas mahalin ka. Kung ayaw nya na sakin, isang tadyak lang sa balls, ok na :3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento